Sa totoo lang, mas ramdam ng mga nanay ang pagmamahal sa simpleng paraan—‘yung pagrespeto, pakikinig, at pagiging present sa araw-araw. Pero ‘wag tayong magmalinis, Kabisyo… hindi naman tayo naging mababait all the time! May mga phase din tayo na certified pasaway, makulit, at minsan… sakit talaga sa ulo! Hahaha!
Kaya imbes na puro sweet messages at throwback photos, balik-tanaw muna tayo sa mga panahong sila naman ang napapagalitan ng sarili nilang nanay! Oo, ang inyong paboritong Love Radio Mommy DJs—bago naging cool moms, dumaan din sa pagiging rebelde! Ready na ba kayo sa kanilang mga “pasaway era?” Ito na!
Tanya Chinita: Umaga na umuwi. Hahaha! Para nanlalaki lang, galit na agad. Conyo Bicolano: Bata pa lang, mahilig na akong sumagot-sagot kapag napapagalitan. Ayaw ko patalo, bata pa lang ako, at si Mama, ’yun ang kinakainis sa’kin dahil para sa kanya, siya lang dapat ang kabog sa bahay! Hahaha!
advertisement
Nicole Hyala: Sa lalaki! Dami kong red flag na pinaglaban. Hahaha!
Diego Bandido: Hmm... naalala ko itinali ako sa poste ng bahay namin at nilatigo. Hahaha! Tinira ko kasi ang mga pyesa ng mga motor na aluminum ng tiyuhin ko, tapos binenta sa junk shop saka nag-computer all day!
Mara Tonee: Sa pag-o-overnight! Akala lagi, may kasama akong lalaki! Kahit daw beki no-no kasi may bird pa rin! Hahaha!
Raqi Terra: Napagalitan niya kami ng mga kapatid ko kasi pumunta kami sa palengke. 5 lang ako no’n! Saka ’yung kinurot niya ako sa singit kasi ang gulo ko raw sa simbahan.Mapapangiti ka na lang at mapapaisip—lahat talaga dumadaan sa pagiging pasaway. Kahit pa ang mga iniidolo nating DJ ngayon, hindi rin nakaligtas sa sermon at palo. Hahaha! Parte na yata ’yan ng paglaki—’yung magkamali, mapagalitan, at matuto along the way.
Pero kung iisipin mo, doon din nabuo ang maraming values na dala nila hanggang ngayon bilang mga nanay. ’Yung disiplina, respeto, at pag-intindi—mga bagay na minsan ay natutunan sa medyo “masakit pero effective” na paraan. At ngayon na sila naman ang nasa posisyon ng mga nanay nila noon, mas naiintindihan na nila kung saan nanggagaling ang mga sermon at paghihigpit. Kaya ngayong Mothers’ Day, hindi lang “thank you” ang pwedeng ibigay—pati na rin ang pagkilala sa lahat ng pinagdaanan niyo together. Sa mga kalokohan mong napatawad, sa mga sermon na tumatak, at sa pagmamahal na nanatili kahit ilang beses kang naging pasaway—’yun ang tunay na kwento. Kaya yakapin mo si Mama… at kung may atraso ka pa, aba, ngayon na ang chance mo bumawi! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

