Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nag-resign ako sa trabaho dahil sa bigat ng loob ko - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Nag-resign ako sa trabaho dahil sa bigat ng loob ko - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
January 19, 2026

Dear Titan Gelo at Raqi Terra, magandang gabi po. Hayaan niyo na sana akong ibahagi ang isang karanasan ko sa buhay na sumubok sa katatagan ng pagkatao ko. Itago niyo na lang po ko sa pangalang "Edward"at ito ang aking Secret File.
Ayaw na ayaw ko sanang inaangat ang sarili ko sa harap ng ibang tao. Gusto kong nagpapakumbaba lang ako at hindi nagmamayabang sa kung ano mang success o achievement na meron ako, pero sa sulat kong ito, kailangan ko ngang mabanggit ang mga katotohanan sa aking kuwento.

Dati kasi akong clerk sa isang ahensya ng gobyerno. Pagpasok ko noon, marami akong mga inabutang kasamahan na matatanda na. Hindi sila ganong marunong pagdating sa computer. 'Yung mga hardware at software, hindi nila kabisado 'yun at bilang isang I.T graduate, nag-innovate ako sa mga sistemang nakasanayan na hindi nila nakakasanayan. Kung no'n ay panay typewriter lang ang gamit nila, ngayon, marunong na silang mag-type sa MS Word, Excel, PowerPoint, at kahit nga 'yung online softwares na Canva, Google Docs at Google Spreadsheet, Alam na rin nilang gamitin. In short, na-transform ko ang sistema ng trabaho sa unit ko at naturuan ko ang mga kasamahan ko na pagaanin ang trabaho at buhay nila sa opisina.

advertisement

Sundan ang kuwento ni Edward dito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...