Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan  - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Nahahanap din pala ang pag-ibig sa gasolinahan - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
June 17, 2026

Dear Raqi Terra at Titan Gelo,

Itago niyo ako sa pangalang “Bob” at ito po ang aking Secret File. Isang gabi may dumaan na nakamotor para magpa-gas sa’min. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing babae siya, pero noong tinanggal niya ang helmet niya at hinampas sa hangin ang mahaba niyang buhok, feeling ko bigla akong nawala sa Earth at lumutang na parang lilipad sa langit!

advertisement

Para akong na-excite na pumasok at mag-duty araw-araw ng dahil sa kaniya. Kinabukasan, nagbaon ako ng pabango, nag-gel na buhok, at nagpalit ng sombrero. Abang ako nang abang sa mga nakamotor at baka sakaling siya ‘yung magpapa-gas, pero wala. Sa makalawa, ganun din, pero hindi pa rin ako sumuko. Nagbilang na ako ng araw—ikatlo, ikaapat, ikalima.
Sa ikaanim na araw, natupad ang panalangin ko. Nagpa-gas ulit siya at sa akin siya pumuwesto. Sabi ko sa kanya, Boss, kamusta po? Na-miss kita!

Sundan ang kuwento ni Bob dito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...