Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nakabembangan ko ang Prof. ko sa spa na pinagtatrabahuan ko - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Nakabembangan ko ang Prof. ko sa spa na pinagtatrabahuan ko - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
January 16, 2026

Dear Titan Gelo at DJ Raqi Terra, itago niyo na lang ako sa pangalang "Grace" at ito ang aking Secret File. 27 years old na po ako, isang working student na tiga-Pasig. Third year college na po ako at pilit ko pong iniraraos ang aking pag-aaral kasabay ng aking pagtatrabaho dahil pangarap ko po ang magkaroon ng diploma.

Bago pa po kasi mawala ang aking nanay at tatay, ang pangako ko sa kanila, pipilitin kong makapagtapos ng pag-aaral para maging proud sila sa akin. Sa pinapasukan ko po na university, may isang professor doon na magaling magturo, pero hindi naman po siya sikat sa university na pinapasukan ko. Hindi siya sikat dahil hindi siya kaguwapuhan, tahimik lang, mukhang masungit, at higit sa lahat, hindi nakikipagkaibigan sa mga estudyante niya.

advertisement

Sundan ang kuwento ni Grace dito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...