Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nicole Hyala, may nasabing hindi dapat sa “Say the Word on Beat” challenge?!
Nicole Hyala, may nasabing hindi dapat sa “Say the Word on Beat” challenge?!
January 12, 2026

Minsan talaga, sa sobrang palaban natin, tayo na mismo ang nagdadala sa sarili natin sa kapahamakan. Charot with harot!

May bago na namang nauuso sa TikTok na nakapagpalabas ng competitiveness ng paborito niyong mga Kabisyo. Ito ay ang “Say the Word on Beat” challenge!



Ito ay laro kung saan kinakailangang masabi kung ano ang nasa ipinapakitang mga picture. Basta, i-search niyo na lang. Kaya niyo na ’yan. Malalaki na kayo. Hahaha!

As if hindi pa nakakalurkei enough ang pakulong ’to, dinogshow pa ng mga matataba ang utak pagdating sa kalokohan. Gumamit sila ng mga picture na ’pag binigkas mo ang katumbas na salita ay ibang-iba sa pandinig.

Isa nga sa mga nabiktima niyan si Nicole Hyala na talagang todo bigay sa pagbigkas ng “Boo rat!” Partida, may blending pa sila ni Diego Bandido!

Ang alam kasi namin, “Ghost rat!” ang sagot. Bakit ba ’yun ang pumasok sa mga utak niyo? ’Chos! Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...