Copyright ©2026 LOVE RADIO
Nicole Hyala, pangarap makantahan si Piolo Pascual ng ‘Mahal Kita Kasi’ sa Coachella
Nicole Hyala, pangarap makantahan si Piolo Pascual ng ‘Mahal Kita Kasi’ sa Coachella
April 16, 2026

Gravecious to the maximum levelatious ang pagpapakitang-gilas ng BINI sa Coachella 2026! Talaga namang marami ang napa-“Uy, Pilipins” sa kauna-unahang Filipino act na nakatapak sa stage ng nasabing music festival.

Hindi lang tayong mga Pinoy ang naka-appreciate. Pati ang international crowd, LSS sa Pantropiko at Salamin, Salamin. Sa katunayan, isa ang performance nila sa most-viewed online!

Magpasalamat tayo sa Nation’s Girl Group dahil kahit papaano, naging daan sila para pansamantala nating makalimutan ang mga nakakalurkei na nangyayari sa ’Pinas! S’yempre, hindi mawawala ang pambansang coping mechanism—ang gawing katatawanan ang lahat. Aba, mula kay Bayani Agbayani hanggang sa GirlTrends na in-imagine na nasa Coachella—hindi nakaligtas!

Dahil pinanganak kaming epal, ’matic na na tinanong din namin ang paborito niyong mga Kabisyo kung anong kakantahin nila at sino ang gusto nilang makasama kung sakaling maimbitahan silang mag-perform sa music festival.

advertisement

Angkol Dagol: Sasabay ako kay Titan Gelo sa Chinita Girl 😅

Nicole Hyala: Mahal Kita Kasi with Papa P! Self-explanatory. Eme! Hahaha!

Mara Tonee: Kasama Mo ’yung song tapos buong Love Radio team para promote pa rin! Haha!

Kim Chino: Be My Lady po. Baka matapos na naman ang taong 2026, wala pa rin akong jowa. Wala pa akong masasama, naghahanap pa lang.

Raqi Terra: Otso otso at buksan mo papasukin ako. Bayani Agbayani at Kuya Wil, para tatawa ka na, mabibigyan ka pa ng jacket at 10 thousand pesos! Charot with harot!

Titan Gelo: Chinita Girl at gusto kong isama si Angkol Dagol 🤣😅😂

Kaya naman sa organizing committee ng Coachella, ’wag na kayong maghanap pa ng performers next year. Nandito na ang Love Radio DJs! Kahit kami pa ang magbayad, este, kahit wala nang bayad. Charot with harot!

Nangunguna pa talaga ang Reyna ng Radyo! Haharot na lang sa crush niyang si Papa P, gusto pa, saksi ang buong mundo. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...