Kung tayo ngang mga tagahanga lang, sobrang na-mi-miss na si Chris Tsuper, paano pa kaya ang matalik niyang kaibigan na si Tanya Chinita? Kaya naman, ang saya talagang marinig at mapanood ulit ang nag-iisang Kambyo King!
Sa ingay nila sa radyo, maniniwala ba kayong introvert pala ang dalawang ’to? Marami ang nagugulat na sa kabila ng mataas nilang energy on-air, eh, tahimik pala talaga sila sa totoong buhay. Napagkakamalan pa ngang masungit, kahit na nag-re-recharge lang naman ng social battery. Hays!
Balasubas man natin siyang nakilala, may pagka-strikto raw si Chris Tsuper bilang ama, lalo na pagdating sa gadgets. Ikaw ba naman, video-han ng mga anak mo na katatapos mo lang maligo para i-send sa group chat niyo, hindi ka ba madadala? HAHAHA!
Marami (wow?!) ang nangarap maging Mrs. Tsuper. Sana hindi magbago ang isip niyo ’pag nalaman niyong physical touch ang love language ni Kambyo King. Hindi dahil malambing siya kundi mas makakatipid siya roon. Sa taglay niyang kakuriputan, hindi na nakapagtataka na mayaman ang napili niyang asawa. ’Chos!
Maswerte raw si Chris Tsuper na hawak niya ang sariling kita. Hindi tulad ng TitamaX confession sender nating si Avic na pinagbabawalan daw ng partner niyang tulungan ang mga magulang niya. Paano ba naman daw kasi pag-iinteresan ng misis niyang anesthesiologist ang kita niya kung ang isang turok, katumbas na ng dalawang buwang sahod ni Kambyo King! Nakakalurkei!
Hindi man ’singbonggacious pagdating sa pera, bawing-bawi naman pagdating sa romansa. Inamin lang naman ni Chris Tsuper sa Tough 5 questions ni Tanya Chinita na may ibang gamit sa kanya ang palaman! Pati butter, mayonnaise, at liverspread hindi niya pinalampas. Kung gusto mo ring pasarapin ang “bebe time” niyong mag-jowa at mag-asawa, tapusin mo na ’to:

Nude video ni Chris Tsuper, na-leak sa group chat nila Tanya Chinita?! | TitamaX Episode 25
