Parang kailan lang, soafer invested tayo sa kwento nina Bananito at Strawberrina. Tapos ngayon, may bagong chapter na naman sa fruit universe—kina Sharmaine at Melanie naman umiikot ang eksena! Ano bang meron sa mga prutas ngayon? Imbes na puro bitamina at healthy living ang dala, parang nagkaroon na rin sila ng kani-kaniyang issue, tampuhan, at drama. Kulang na lang, magkaroon sila ng sariling teleserye sa hapon. Charot with harot!
At dahil hindi tayo papayag na walang ambag sa usaping ito, tinanong natin ang paborito niyong mga Kabisyo kung anong prutas ang gusto nilang ipangalan sa kanila. Ang resulta? Aba, parang pinag-isipan talaga! May seryoso, may pasabog, at may ilan na talagang hindi mo makakalimutan. Kaya ihanda na ang papel at ballpen dahil ipapanotaryo na natin ang mga sagot nila!
Angkol Dagol: Durian.
Tanya Chinita: Pakwan po.
Conyo Bicolano: Santol para kahit matigas, masarap pa rin nguya-nguyain!
Nicole Hyala: Balimbing! Alam niyo ’yun? Haha!
Diego Bandido: Wala nang iba pa. Ang pinakamalapit ay... KALBOcado!
Mara Tonee: Longan! Hahaha!
Raqi Terra: Gusto ko melon, para kahit wala akong pera, melon ako!
Titan Gelo: Melon.
Aminin man natin o hindi, bagay naman ang mga napili nilang prutas sa kanila. Pero parang may kakaibang dating talaga ang sagot ni Tanya. Pakwan? Aba, swak na swak! Malaki, mapula, at masarap. At kung sakaling magkaroon talaga ng prutas na tatawaging “Tanya,” baka magulat na lang tayo na sold out na ang mga pakwan sa palengke, supermarket, at pati sa mga fruit stand sa kanto. EME! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

