Copyright ©2026 LOVE RADIO
Pinainom ko siya, pero hindi niya kinaya - Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo
Pinainom ko siya, pero hindi niya kinaya - Raqi's SPG Secret Files with Titan Gelo
January 12, 2026

Dear Titan Gelo at Raqi Terra, kailangan ko yata ng inyong payo. Ewan ko kung sadyang siraulo ako o kung may mali nga ba talaga sa ginawa ko. Itago niyo nalang po ko sa pangalang "Dante" at ito ang aking SPG Secret File. Matagal ko na kasing sinabi sa kumpare ko at sa jowa niya na huwag nila akong isasama sa inuman session nila. Itago natin si Kumpare sa pangalang "Bong" at ang girlfriend niya sa pangalang "Inday." Eh, paano ba naman kasi? Tahimik na tahimik akong nagtatrabaho bilang isang vendor ng isaw, fishball, kikiam at iba pa.

Nakilala ko ang magjowang si Bong at Inday no'ng minsang bumili sila sa akin ng napakaraming stick ng isaw. 'Yun daw kasi 'yung gagawin nilang hapunan. Sa sobrang dami, nawindang ako at naparami ang nilutong isaw, pero akala ko hanggang do'n lang ang pagkakakilanlang na kikilanlan naming tatlo. Hindi pa pala ro'n nagtatapos ang lahat. Isang araw, kakatapos lang ng shift nilang dalawang magjowa kaya ng nakasanayan, sa akin sila sumaglit para lumamon ng isaw, pero itong si Inday, pabigla-bigla, niyaya si Bong na mag-inuman sila dahil meron daw siyang dalaw.

advertisement

Sundan ang kuwento ni Dante rito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...