Copyright ©2026 LOVE RADIO
Raqi Terra, na-mental block habang bumibili ng itlog sa ibang bansa
Raqi Terra, na-mental block habang bumibili ng itlog sa ibang bansa
April 23, 2026

’Pag talaga maganda ang nagkakamali, big deal sa’tin, ’no? Para sa iba, patunay lang daw ito na hindi lahat binibigay ni Lord. Charot with harot!

Isa na nga riyan ang interview clip ni Marian Rivera kamakailan, kung saan mabilis na pinansin ng mga netizen ang sinabi niyang “Why not something, trying something new for me?”

Naintindihan naman natin ang ibig niyang sabihin, pero dahil tayong mga Pinoy ay walang pinapalagpas na pagkakataon para mang-dogshow, ilang memes na agad ang nagawa mula rito.



’Wag kayong mag-alala. Hindi kami para manghusga. HAHAHA! Kahit ang mga Love Radio DJ, hindi nakakaligtas sa mga ganitong eksena.

Tanya Chinita: Every day ako wrong grahams and I’m froud.

Mara Tonee: ’Yung nag-YouTube makeup tutorial ako tapos nasabi ko, “I asked my auntie to bought me this!!!” Asked na, bought pa?! Sabog!!!

Raqi Terra: Wala akong maalalang particular sablay english moment kasi too many mention, pero this what I remember. I was in a foreign country wherein I told a guy, “How much are your eggs?”

Titan Gelo: Wala dahil hindi ako nag-e-English!

Sa sobrang laki at puti ng itlog sa ibang bansa, nawala tuloy ang Basa Princess sa sarili niya. HAHAHA! Bitin ’yung kwento, eh. Hindi natin nalaman kung ano ang sinagot sa kanya. EME!

Kayo ba, anong grammatically incorrect sentence ang nasabi niyo sa harap ng maraming tao? Okay lang ’yan. At least tayong mga Pinoy, multilingual. Ansavehhh?! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...