Copyright ©2026 LOVE RADIO
Rob Deniel, mas magaling daw sa studio recording kaysa sa live performance?!
Rob Deniel, mas magaling daw sa studio recording kaysa sa live performance?!
February 28, 2026

Sa isang tapatan sa Hangover, ipinaliwanag ng singer-songwriter na si Rob Deniel kung bakit magkaiba ang vibe niya sa studio at sa live performances.

Kilala si Rob sa kanyang mga malalambing at emotional bedroom pop hits tulad ng “Ulap” at “Miss Miss.” Pero kamakailan, may ilang fans na nagsabing iba ang energy niya sa stage kumpara sa inaasahan nila mula sa kanyang recorded songs.

Diretsahang sinagot ni Rob ang mga obserbasyong ito at sinabing baka nagulat lang ang iba sa kung sino talaga siya kapag nasa entablado. Mas malambing at toned down daw kasi ang kanyang studio persona, habang mas makulit at energetic naman siya sa live performances.

advertisement

“Na-shock lang siguro sila and expectation siguro nila na parang lalambingin ko sila,” natatawang paliwanag niya.

Inamin din niya na mas expressive at minsan, over-the-top ang kanyang live performances dahil mas naka-focus siya roon sa pag-e-entertain, kumpara sa recordings na mas nakasentro sa emosyon ng kanta.

Sa kabila ng mga puna, chill lang si Rob at tinitingnan niya ito bilang bahagi ng kanyang growth bilang artist. Para naman sa fans na sanay sa soft at malambing niyang image, mukhang kailangan lang masanay sa mas mataas niyang energy kapag live shows. Panoorin ang full interview sa YouTube channel ng Hangover!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...