Copyright ©2026 LOVE RADIO
SB19, Ben&Ben, at Flow G, pangungunahan ang OPM Con 2026
SB19, Ben&Ben, at Flow G, pangungunahan ang OPM Con 2026
June 1, 2026

Talagang sulit ang bayad 'pag itong mga 'to ang pinagsama sa iisang concert, mga Kabisyo!

Pupunuin lang naman ng OPM Con 2026 ngayong July 11 ang Araneta Coliseum ng mga malalaking pangalan ngayon sa music scene. Pangungunahan ito ng Kings of P-Pop na SB19 at OPM band na Ben&Ben.

advertisement

Kasama rin sa kantahang ito ang Rising P-Pop group na Alamat, rappers na sina Flow G at Skusta Clee, rock band na Sunkissed Lola, at all-female P-Pop acts na G22, KAIA, at Xonara. Sabi sa inyo, eh, pasabog!!

Magsisimula ang ticket selling sa June 12 sa lahat ng participating Puregold stores kabilang ang Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Manila; Sucat, Parañaque; Kalentong, San Andres, Manila; Sto. Domingo Cainta Junction, Rizal; at San Pedro, Laguna.

Sama-sama tayong maguluhan kung mamimili ba tayo ng grocery sa Puregold o bibili ng tickets! HAHAHA!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...