Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, aminadong walang panty ‘pag natutulog?! | TitamaX Episode 30
Tanya Chinita, aminadong walang panty ‘pag natutulog?! | TitamaX Episode 30
April 17, 2026

Tanya Chinita, aminadong walang panty ‘pag natutulog?! | TitamaX Episode 30

Akala niyo ba si Tanya Chinita lang ang kayang makipagdibdiban? Ibahin niyo ang Episode 30 dahil ang mismong director at lead digital content producer na si Angelique Agarap ang tumapat sa kaniya! Siya lang naman ang mastermind sa likod ng mga viral posts na kinababaliwan niyo sa Love Radio, kaya kung may i-ba-bash kayo, isa na siya doon. Charot with harot!

advertisement

Bilang mga Marites na mahilig manghusga, pinag-usapan nila ang red flags ng iba’t ibang signs at kung paano nakatulong ang astrology para maintindihan ang ugali ng mga tao. May "Big Three" pa silang nalalaman! Kaunti na lang maglalagay na ‘yan ng table sa Quiapo para manghula! CHARENG!

Ayaw pa nilang magpaawat dahil may rebelasyon pa sila kung aling signs daw ang certified "freaks in bed" at kung sino ang masarap mag-alaga. Nakaka-curious tuloy kung sino sa mga zodiac signs ang talagang pasabog mag-perform at sino ang medyo ligwak!

Hindi rin nakaligtas ang usapang personal hygiene habang nag-uunboxing ng TitamaX starter pack sa studio. Walang preno silang umamin na mas gusto nila na walang suot na panty sa bahay para mas presko at makahinga ang balat. ‘Tsaka para na rin daw easy access, wala nang hahawiin. KEME! HAHAHA!

Nakakaloka ang episode na ito dahil nakaganti na rin si Tanya Chinita sa director niyang puro kalokohan ang gusto! Kung bet niyo pang malaman ang iba pang spicy details nina Tanya at Direk Angel, panoorin niyo na ang full video:

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...