Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, dinaig ang lutang moment ni Sofia Andres; pumasok nang walang panty!
Tanya Chinita, dinaig ang lutang moment ni Sofia Andres; pumasok nang walang panty!
March 19, 2026

Kung lutang ka sa trabaho, ’wag mong ikahiya. Si Sofia Andres nga, nagpakilala sa TV Patrol bilang si Jeff Canoy, eh. Hahaha!

Nakaka-good vibes ang blooper na ito ng actress na mabilis na nag-viral sa social media. Hindi naman para husgahan siya. Kinagiliwan pa nga siya dahil ang cute ng reaction niya! Patunay lang na kahit ang mga tulad ni Sofia Andres ay nagkakaroon din ng lutang moments sa trabaho. ’Wag lang nating araw-arawin, kasi baka imbes na tawanan tayo, mabwisit na ang mga katrabaho o mas malala, ang boss natin mismo! Buti kung ganyan din tayo kaganda. Hahaha!

Kung palutangan din lang ang usapan, aba, pambato namin ang paborito niyong mga Kabisyo riyan!

Angkol DAGOL: Na-mention ko ‘Kapamilya’ imbes ‘Kabisyo’ dahil pinrank ako na mag-re-resign si Tanya Chinita!

Tanya Chinita: Nakapambahay lang ako kasi late nagising. Walang suot-suot ng panty! Hahahahaha!

Conyo Bicolano: Eere na ako at sasabihin dapat “Ihanda ang inyong mga puso,” at dahil sa pagkalutang ko, nasabi ko, “Mga Kapuso!” Hahaha! Sana may trabaho pa ako after this confession! Hahaha!

Nicole Hyala: Wait. Too many to mention. Alam ko lutang every day. That’s why they love me! Hahahaha!

Diego Bandido: Pumasok ako at nag-boardwork nang lasing at straight galing ako sa inuman mula gabi at inumaga. ’Di ko namalayang ibang frequency na pala ng station binabanggit ko, pero nabawi ko naman nang nahimasmasan ako. Sinabi ko na roon ako galing kaso pangit doon. Mas maganda rito ngayon, kaya nga rito ako, eh!

Mara Tonee: ’Yung na-dead air ’yung radio for 30 seconds! Hahaha! Wrong button napindot ko!

Kim Chino: Naka-ere tapos nakagat ko ang dila ko. Nasaktan ako, pero ’pag ibang tao, okay naman... manamis-namis!

Raqi Terra: From Yes! FM, balik ako ng Love Radio. Imbes na sabihin ko ‘Kabisyo,’ ang nasambit ko ay ‘Bes.’ Then, sumegue ako ng ‘Kabesyow!’ Pero araw-araw naman, lutang ako. Hahahaha! Charot with harot!

Titan Gelo: Pumasok ako sa office ng Saturday para magp-work, pero WFH naman pala ako no’ng araw na ’yon!

’Yung hindi nakaligo dahil late, maiintindihan pa namin. Pero ’yung nakalimutang mag-panty? Hindi ka na naawa sa makakaamoy, Tanya Chinita. Eme! Nabuking tuloy na may hindi nagsusuot ng panty sa gabi. Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...