Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, iwas daw muna sa bembang para makatipid sa kuryente
Tanya Chinita, iwas daw muna sa bembang para makatipid sa kuryente
April 29, 2026

Hindi lang pala init ng panahon ang magpapataas ng presyon ng mga Kabisyo natin—pati na rin ang taas ng singil sa kuryente!

Gets naman na mas madalas ang paggamit ng electric fan at aircon these days, pero may balita pa na sa consumers din ipinapasa ’yung subsidy ng gobyerno para sa mga senior citizens at low-income household. Kaya ’yon... lahat na lang nagmamahal. Ikaw na lang talaga ang hindi pa minamahal. ’Chos!

Ano nga ba ang diskarte ng paborito niyong mga Kabisyo para makatipid sa kuryente kahit papaano? Malay niyo, may mapulot kayo rito!

Angkol Dagol: I-full charge lahat ng gadget sa opisina bago umuwi.

Tanya Chinita: ’Wag muna magbembang para hindi mainitan!



Conyo Bicolano: Dapat na bawasan ang cuddle-cuddle d’yan! Ang init-init na nga, yakapan pa kayo nang yakapan!

Nicole Hyala: Para makatipid sa kuryente ng hot and cold shower, sabay na lang maligo.

Diego Bandido: Hay naku! May magagawa pa ba tayo kundi magtiis? Walang ibang way para makatipid sa kuryente. Sa ibang bagay, pwede, gaya ng isang beses lang mag-toothbrush sa isang araw, isang beses na lang kumain sa isang araw... ’Pag hinimatay ka, ’di mo na mararamdaman ang init. Tulog ka na. No need for aircon at electric fan. Doon, baka makatipid ka! Hahaha!

Mara Tonee: Matulog nang nakahubad para no need aircon at electric fan! Fresh air pa! Hahaha!

Kim Chino: Yayain si crush matulog nang sabay para isang kwarto na lang, isang aircon na lang. Tipid!

Raqi Terra: Sa opisina na manirahan. Hahaha! Charot with harot!

Titan Gelo: Magbakasyon muna at pumunta ng Iceland para makatipid ng kuryente sa bahay.

Balita namin, iba-iba raw ang ibig sabihin ng bembang. Hulaan niyo na lang kung ano ’yung kay TitamaX! Pwede niyo ring subukan lahat ng klase tapos tingnan niyo kung saan bababa ang kuryente. EME! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...