Copyright ©2026 LOVE RADIO
Tanya Chinita, uunahan si Kylie Padilla umalis ng Pilipinas dahil susunduin ng AFAM?!
Tanya Chinita, uunahan si Kylie Padilla umalis ng Pilipinas dahil susunduin ng AFAM?!
February 26, 2026

Pinagpiyestahan ng mga Kabisyo natin ang naging sagot ni Kylie Padilla matapos siyang tanungin kung ano ang reaction niya sa posibilidad ng pagtakbo ng tatay niyang si Sen. Robin Padilla sa pagka-bise presidente sa 2028 National Elections.

Nadulas, este, nasabi kasi niyang aalis na lang daw siya ng Pilipinas. Agad naman itong binigyang-kulay ng mga Marites kahit na wala namang ibang sinabi ang actress-singer. Sa katunayan, idiniin niya pa na ’yun lang daw ang comment niya.

Akalain niyong ’yung soafer chill na sagot na ’yon ay mag-vi-viral? HAHAHA! Napilitan tuloy siyang ipaliwanag ang mga salitang binitawan niya. Haaay! Mukhang may napagalitan ng tatay. Charot with harot!

Yaman din lang at mahilig tayong makisawsaw sa buhay ng iba, ano kaya ang magiging rason para umalis ng ’Pinas ang Love Radio DJs ’pag nagkataon?

Angkol Dagol: Aalis ako ng ’Pinas para makaiwas sa naniningil ng utang. 🫣

Tanya Chinita: Susunduin na ako ng AFAM ko.

Conyo Bicolano: Kasi ’apakainit dito! Gusto ko ng winter para lumiit naman ’yung pores ko!

Nicole Hyala: Kapag niyaya ako ni Piolo Pascual na mag-rides sa Disneyland.

Diego Bandido: Siguro, ’pag nahanap na ako ng biological parents ko. Foreigner kasi talaga ako, eh. Arabo kasi ang tatay ko!

Kim Chino: Aalis na ako sa ’Pinas kapag may nag-alok sa’kin ng green card. ’Yung aasawahin ko, with citizenship. HAHAHA!

Titan Gelo: Wala akong ibang concern sa pag-alis nila, basta ’wag lang aalis ’yung taong mahal ko. Hindi rin ako aalis.

Mukhang isang Pinay na naman ang makakaahon sa kahirapan. Sana may mga kapatid at kaibigan ’yung AFAM para madamay rin kaming mga nasa laylayan. Eme! Papayag naman tayong umalis si TitamaX, pero bakasyon lang. Hindi tayo papayag maiwan ng Pambansang Tita kasi sino na lang ang panonoorin natin sa radyo kung wala siya? Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...