advertisement
Isang gabi, nasa inuman kami ng mga brad. Dumating ‘yung isa sa mga senior namin at napansin niya ‘yung girlfriend ko. Sabi niya, “Brad, p’wede bang tikman ‘yang girlfriend mo?” Hinihintay kong nasabihin niyang joke lang ito, pero wala akong narinig. Nanlamig ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Sundan ang kuwento ni Anjo rito sa Raqi’s Secret Files with Titan Gelo.

Titikman daw nila ang girlfriend ko para sa brotherhood - Raqi’s Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo,
Itago niyo ako sa pangalang “Anjo” at ito po ang aking Secret File. College pa ako noon. Pakiramdam ko, sobrang astig ko dahil sa bagong mundo na kinabibilangan ko sa fraternity. Pero habang tumatagal ay na-re-realize ko na hindi pala lahat ng tinatawag na kapatiran ay may pagbibigay ng respeto at pagmamahal.
