Copyright ©2026 LOVE RADIO
Unang leg ng Hatid Saya Concert Series, tagumpay na ginanap sa Dapitan, Manila
Unang leg ng Hatid Saya Concert Series, tagumpay na ginanap sa Dapitan, Manila
March 16, 2026

Hanggang ngayon, parang naririnig pa rin namin ang palakpakan at hiyawan noong binuksan natin ang Hatid Saya Concert Series noong March 7 sa Dapitan Sports Complex.

Madaling-araw pa lang, bakas na agad ang excitement ng lahat at lalo pang uminit ang paligid nang simulan natin ang araw sa Zumbalympics. Iba talaga ang stamina niyo, Kabisyo! Kung may Zumba lang talaga sa Olympics, gold medalist na tayo! Hahaha! Nakakatuwa lang makita na kahit iba-iba ang edad, game na game ang lahat sumabay sa indak. Pawisan man, pero puno pa rin ng ngiti at tawanan.



Pagkatapos ng Zumbalympics, tuloy agad tayo sa Mother’s Class at Medical Mission. Mahalaga rin sa amin na habang masaya kayo, panatag tayo na inaalagaan natin ang kalusugan natin. Nakakataba rin ng puso makita kung paano nagtutulungan ang bawat isa kasama ang City Government of Manila.

Pagdating ng gabi, nag-level up ulit ang energy! Marami ang kinilig, hindi lang sa mukha kundi sa boses nina Shierah Sumacot at dwta lalo na no’ng kinanta niya ang ‘Sampung Mga Daliri,’ ‘Ang Pag-Ibig Kong Ito,’ at ‘Padaba Taka.’

Saan ka nakakita? Free concert na, may prizes pa. Paldo ang mga nakipaglaro sa mga game na inihanda nina Angkol Dagol, Conyo Bicolano, Nicole Hyala, Diego Bandido, Kim Chino, at Raqi Terra.

May special performances pa mula kina Titan Gelo na kinanta ang original song niyang ‘Chinita Girl,’ at Tanya Chinita na talagang humatak sa audience ng makaka-duet niya!

Nagtayuan at nagtalunan naman ang crowd nang sumalang na ang Gracenote at ipinarinig ang ‘Tigil,’ ‘When I Dream About You,’ at ‘Minsan Lang Naman.’ Tila wala pa ring kapaguran ang lahat dahil ganoon din kasiglang tinapos ng 6cyclemind ang gabi. Bata o matanda, sino ba namang hindi mapapasabay sa hits nila tulad ng ‘Sandalan,’ ‘Prinsesa,’ at ‘Sige?’ Ramdam na ramdam namin ang saya sa bawat sigaw, palakpak, at sabayang kanta.



First leg pa lang ‘to, Kabisyo! Kung ganito na kalakas ang simula natin, isipin niyo na lang kung ano pa ang inihanda namin sa susunod na stops ng Hatid Saya Concert Series.

Kaya naman, manatiling updated sa aming social media accounts. Malay niyo, sa susunod, sa lugar niyo naman kami susulpot! 😉

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...