advertisement
Sundan ang kuwento ni Arturo rito sa Raqi's Secret Files with Titan Gelo.
Walang imposible sa taong may pangarap - Raqi's Secret Files with Titan Gelo
Dear Raqi Terra at Titan Gelo, itago niyo na lang po ako sa pangalang "Arturo," 43 years old, at taga-Marikina. 23 years old pa lang po ako, isa na akong ganap na driver. Una, sideline lang ang pagiging driver hanggang sa naging company driver na ako ng ilang taon. Halos limang taon din 'yun. No'ng nakaipon ako, nagtayo na ako ng maliit na tindahan para sa amin ng aking mabuting asawa. Doon na rin ako nagpasya na para kahit papaano, hawak ko na ang oras ko at kailangan ko nang maging madiskarte at mas maging masipag pa.
'Yung pag-alis ko ng aking kumpanya, pumasok ako bilang taxi driver. Tamang boundary ako no'ng naging taxi driver ako. 1,100 ang hulog ko kada araw. 'Yung mga panahon na 'yun, malakas pa ang biyahe dahil sikat pa ang taxi at wala pa masyadong kakompetensya ang mga taxi driver. Maganda naman ang kita, malakas, lalo na kapag sasapit na ang Disyembre. Naalala ko pa noon, madalas ang biyahe ko sa madaling araw at may mga regular customer na ako na call center para ihatid sa kanilang mga bahay.
